crs ulit
ayun, pumunta ako ng crs office kani-kanina lang. nagtanong ako sa kuya dun kung bakit hindi ako makapag-enlist ng che 172 at yung mga kaklase ko, nakaka-enlist. eto yung conversation:
kuya: nakuha mo na ba yung prereq?
ako: opo.
kuya: shiftee ka ba?
ako: hindi po.
kuya: *nag-iisip*...may meeting kasi yung mga mag-aayos niyan, balik ka na lang ng mga 3:30 o kaya tawagan mo na lang yung trunkline.
haay.. hindi ko naman ma-blame si kuya kasi wala naman talaga siyang magagawa pero wala lang. bakit ba hindi ako makakuha ng 172? nakuha ko naman ang prereq. may grade na nga ako ng es26 sa crs eh. nagtanong din ako sa mga tao kung ano yung sagot nila sa "are you graduating this term?" na tanong, pareho naman kaming "no". tsaka, bakit yung mga kapwa kaklase ko sa 123 last sem, nakakakuha naman ng 172. haay.. life.. ayun, nagemail na lang ako ulit sa crs support. yung gusto magemail, eto yung add, crssupport@list.up.edu.ph
tas ayun, pumunta din ako ng dept, nagpapatanong si djana kung may grade na sa 123 kasi kelangan niya sa scholarship niya. naka-lock yung door tska kumatok ako ng tatlong beses, wala ata talagang tao. ayun. hindi din tuloy ako makatanong tungkol sa crs. haay..=(
sana naman by second run, ok na yun. baka kelangan ko pa umiyak sa mga prof para maprerog..
